Sign of The Cross: Tatak ng Kaligtasan by Lay Person Scripturist

THE ARTICLE IS TAKING FROM ; http://www.splendorofthechurch.com.ph

Untitled1

 Madalas tayong tinutuligsa ng mga anti-katoliko dahil sa ating pagsa-sign of the cross.

 

Ayon sa mga taga INC-1914 ito raw ay marka ng halimaw sa Apocalipsis 13, ayon naman kay Eli Soriano ay hindi daw ito ginawa ng mga unang kristiyano kaya matuto lang daw dapat tayo kung ano ang nakasulat (1 Corinto 4:6) at ayon naman sa mga Born Again noon daw ng panahon na nagtatanong si pilato sa mga tao, “ano ang gagawin ko kay Jesus, na tinatawag na Cristo?” yung iba daw na hindi na marinig dahil nandun daw sa pinakamalayo ay nag-sign of the cross para sumagot sa  tanong ni pilato, habang ang mga nasa malapit ay sumigaw, ”Ipako siya sa krus!” kaya ganun daw ang dahilan na hindi sila nagsa-sign of the cross.Pero silang lahat na tumutuligsa sa Iglesya Katolika ay walang kaalam-alam sa kanilang mga komento.

 

Si Eli Soriano ng Ang Dating Daan na madalas tumuligsa sa Iglesya Katolika at ang isa dito ay ang tungkol sa Sign of the Cross, komokomento siya sa bagay na hindi niya napag-aralang mabuti. Si Eli Soriano ay minsan ng tinanong kung ano ang kahulugan ng hebrew alphabet na shin at hindi  niya ito nasagot  sa nagtatanong sa kanya. Minsan din niyang pinabayaan ang kanyang tagasunod na basahin ang hebrew alphabet ng mali na sa halip na mula sana sa kanan patungong kaliwa ay hinayaan niya itong basahin ng mula sa kaliwa papunta sa kanan.

 

Alam naman natin na ang Old Testament o ang lumang tipan ng bibliya ay isinalin mula sa wikang hebrew at ang hebrew ay may tinatawag na hebrew alphabet.

 

Sa hebrew alphabet ang  pinakahuling letter ay tinatawag nating tav.

 

Untitled2

 

Ang nakikita po natin sa itaas ay ang Hebrew Alphabet na Tav mula sa pinakamatandang Tav patungo sa modernong Tav.

 

Now, ang tanong bakit yung ancient tav ay hugis “+” at yung isa naman ay “x” at yung isa naman ay Untitled3 at yung isa naman ay “ת”

 

Bakit nagkaganun?

 

Kasi the alphabet changed gradually over thousands of years, so that what were originally images became abstract alphabet characters at yan nga ang nangyari.

 

Untitled4

 

Now, ipaliwanag pa natin,  ang Ancient Untitled5 ay isang mark. Maari itong dalawang patpat na nilagay bilang krus katulad ng Egyptian hieroglyph Untitled6 na siyang larawan ng dalawang patpat.

 

Ang letrang ito ay mayroong kahulugan ng mark, sign o signature.

 

Ang modern hebrew, arabic at greek names para sa letter na tav (taw), ay nagkakasundo na ang tunog ay letrang  “T”

 

Ang early pictographUntitled7na  ay nag-evolved  saUntitled8in the Middle Semitic nagpatuloy na nag-evolve saUntitled9the Late Semitic Script. Mula sa middle Semitic script naging  Modern Hebrew ת.

 

Ngayon, bakit nasabi natin na ang Sign of the Cross ay tatak ng kaligtasan?

 

Isa sa mga ginagamit nating batayan ay ang nakasulat sa Ezekiel 9:4 kung saan yung mga taong pinalagyan ng marka o tatak ng Diyos ay hindi napahamak.

 

“Sinabi niya rito, Libutin mo ang lunsod ng Jerusalem at lagyan mo ng tatak sa noo ang lahat ng nagdalamhati dahil sa mga kasuklam-suklam na ginawa roon.  Sa iba naman ay narinig kong sinabi niya, Sumunod kayo sa kanya at patayin ninyo ang mga tagaroon. Huwag kayong magtitira maliban sa mga may tanda sa noo. Patayin ninyong lahat ang mga tagaroon: matanda, binata, dalaga, babae at bata. Umpisahan ninyo sa santuwaryo. Inuna nga nilang patayin ang matatandang pinuno ng bayan sa harap ng bahay.”(Ezekiel 9:4-6, Magandang Balita Biblia)

 

Sa hebrew ganito ang nakasulat…

 

Untitled10

 

 Kung titignan natin ang kahulugan ng “tav” sa hebrew lexicon ay ganito ang ating mababasa.

 

Untitled11

 

Makikita natin na ang kahulugan ng “tav” ay mark (as a sign of exemption from judgment) at ganyan nga ang nangyari noong unang panahon sa Ezekiel 9:4, hindi napahamak yung mga taong may marka.

 

Kung mababasa natin ang isa sa mga bibliyang gamit nating mga katoliko ang The Jerusalem Bible ay mababasa natin sa Ezekiel 9:4 ang ganito…

 

“and Yahweh said to him, ‘Go all through the city, all through Jerusalem, and mark a cross on the foreheads of all who grieve and lament over all the loathsome practices in it.’”(Ezekjel 9:4, The Jerusalem Bible)

 

Untitled12

 

Bakit nga ba may nakasulat na “Mark a Cross” sa The Jerusalem Bible na hindi naman natin mababasa sa mga bibliya na ginagamit ng mga protestante?

 

Kasi yung ancient hebrew alphabet ng letter na tav ay hugis krus at ang itinatak sa mga tao na hindi napahamak ay Hugis  Krus.

 

Makikita natin na ang Ezekiel 9:4 ng The Jerusalem Bible ay nakabatay sa ancient hebrew text.

 

Untitled13

 

Yung isa pang gamit nating The New American Bible ay mababasa din natin ang ganito.

 

“and the LORD said to him: Pass through the city, through the midst of Jerusalem, and mark an X on the foreheads of those who grieve and lament over all the abominations practiced within it.”(Ezekiel 9:4, The New American Bible)

 

Makikita din natin na ito ay sumunod sa Paleo Hebrew Text ng Ezekiel 9:4

 

Untitled14

 

Now, balikan natin ang The Jerusalem Bible kung saan sa Ezekiel 9:4 ay nakasulat ang “krus” na siyang itatatak sa mga taong hindi mapapahamak.

 

Ito ay Inscription na natagpuan sa  cave located sa Sinai Peninsula. At ang Sinai Peninsula ay  “traditional” site ng  Mt. Sinai.

 

Matatagpuan sa Mt. Sinai ay ang Monestary kung saan ang pinakamatandang  old Greek translation ng  Old Testament ay nakita. Ang translation na tinatawag nating  Codex Sinaiticus.

 

Untitled15

 

 Ito ang earliest known Hebrew inscription: From the Gezer Calendar, c. 950–918 B.C.E:

 

Untitled16

 

Makikita natin yung hebrew letter na tav na hugis krus.

 

Dahil sa krus na iyan naligtas ang mga tao noong unang panahon sa kapahamakan. (Ezekiel 9:4)

 

Sa pamamagitan din ng Krus ay iniligtas tayo ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo.

 

17

 

Mababasa natin ang greek word na διὰ τοῦ σταυρο o dia tou stauros na kung babasahin sa english ay Through The Cross.

 

Kaya yan ang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit ipinagmamalaki ng mga katoliko ang Krus sa pamamagitan ng Sign of The Cross.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s