ANG IGLESIA CATOLICA ROMANA BA ANG TINUTUKOY NA WHORE OF BABYLON SA REV 18? By Fr. Abe

 

The Map of the 7 Hills of Rome where the Pagan Roman Empire reigned. The Catholic Church is situation outside that 7 Hills but in Vatican Hill on the other side of the Tiber River. Photo credit: www.roman-emperors.org

The Map of the 7 Hills of Rome where the Pagan Roman Empire reigned. The Catholic Church is situation outside that 7 Hills but in Vatican Hill on the other side of the Tiber River. Photo credit: http://www.roman-emperors.org

Avatar
proudtobecatholic • 12 hours ago

Gud day poh Fr. Abe… Tanung ko lang po about sa Revelation 18: 1-24 sinu po ba ang tinutukoy na babilonia? kasi po ito ang ginagamit ng ibang sekta tulad ng SDA at ni Quiboloy. Ang babilonia daw po ay ang Katoliko…dahil ginagamit daw po ito bilang pamalit tawag sa Roma. TY poh

 

Avatar
FrAbeArganiosa lingkod proudtobecatholic • 2 minutes ago

GOOD DAY TO YOU TOO BROTHER.

ANG TINUTUKOY NA BABILONIA AY ANG PAGAN ROME. LAGI MONG TATANDAAN NA MAY DALAWANG URI NG ROME NUONG PANAHON NG MGA APOSTOL. ANG PAGAN ROME NA NAGPAHIRAP AT NAGPAPATAY SA MGA UNANG CATOLICO AT ANG CHURCH OF ROME NA PAWANG MGA CATHOLIC CHRISTIANS.

ANG PAGAN ROME AY PINAMUMUNUAN NG MGA EMPERADOR NA SIMULA NG PANAHON NI EMPEROR NERO AY UMUSIG SA MGA ROMAN CATHOLICS AT UMARESTO SA KANILA. PINAKAIN SILA SA MGA LEON, SINUNOG NG BUHAY, PINUGUTAN NG ULO AT PINAKO SA MGA KRUS. PANGUNAHIN SA PINAPATAY NI EMPEROR NERO AY SI APOSTOL SAN PEDRO AT SI APOSTOL SAN PABLO. DAHIL AYAW NILANG SAMBAHIN ANG EMPEROR NG ROME BILANG DIOS. MULA KAY NERO NAGKAROON NG SERIES OF PERSECUTIONS AGAINST THE CATHOLIC CHURCH.

ANG BABAENG NAKAUPO SA PITONG BUROL O SEVEN HILLS AY TUMUKOY SA PAGAN ROME NA MAY 7 HILLS:

1. Aventine Hill (Latin, Aventinus; Italian, Aventino)

2. Caelian Hill (Caelius, Celio)

3. Capitoline Hill (Capitolium, Campidoglio)

4. Esquiline Hill (Esquilinus, Esquilino)

5. Palatine Hill (Palatinus, Palatino)

6. Quirinal Hill (Quirinalis, Quirinale)

7. Viminal Hill (Viminalis, Viminale)

MAKIKITA MO NA WALA DIYAN SA PITONG HILLS ANG CENTRO NG CATHOLIC CHURCH KUNDI NASA VATICAN HILL KUNG SAAN IPINAKO AT INILIBING SI SAN PEDRO APOSTOL. ANG VATICAN HILL AY NASA KABILA NG TIBER RIVER. DITO NAGSIMULA ANG PAGLAGANAP AT TAGUMPAY NG CRISTIANISMO LABAN SA PAGANISMO NG ROMA. AT ANG TUMALO SA PAGANISM AY HINDI MGA BAPTIST, HINDI MGA BORN AGAIN, HINDI MGA MANOLISTA AT MAS LALONG HINDI SI QUIBOLOY KUNDI ANG IGLESIA CATOLICA ROMANA NA SIYANG CHURCH OF ROME. CATHOLIC CHURCH ANG NAGPABAGSAK SA PAGAN ROMAN EMPIRE AT HINDI SILA. MGA WALANG UTANG NA LOOB SILA SA CHURCH OF ROME.

SABI SA CAPITULO 18 NG REVELATION ANG BABAE AY NAGPAPASASA SA LAMAN AT KASAMAAN. WELL, ANG CATHOLIC CHURCH AY AGAINST SA ABORTION, FORNICATION, PROSTITUTION, SAME SEX MARRIAGE, DIVORCE, PORNOGRAPHY AT IBA PA. SUBALIT ANG MGA ITO AY LEGAL SA MARAMING PROTESTANT COUNTRIES KAYA IMPOSIBLENG CATHOLIC CHURCH ANG TINUTUKOY NITO DAHIL ANG ROMAN CHURCH AY PURING PURI NG MGA APOSTOL AYON MISMO SA BIBLIA:

Rom 1:7 Sa lahat ninyong nangasa ROMA, mga INIBIG NG DIOS, tinawag na mangagbanal: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at Panginoong Jesucristo.

KITAM, YUN DAW MGA CRISTIANO SA ROMA NA WALANG IBA KUNDI KAMING MGA CATOLICO AY INIBIG NG DIOS, TINAWAG PARA MAGING BANAL. TIGNAN MO NGA AT KAPAYAPAAN ANG BATI NI SAN PABLO. SUBALIT ITONG MGA BORN AGAIN AT MGA BAPTISTS AT MGA KAAWAY NG SANTA IGLESIA E GALIT NA GALIT SA CHURCH OF ROME. GALIT NA GALIT SA MGA ROMAN CHRISTIANS. PARA SILANG KAMPON NG DIABLO NA KABALIGTARAN ANG NADARAMA NILA SA NADARAMA NG DIOS. TAMA BA YON?

ITO PA ANG SABI NI SAN PABLO:

Rom 1:8 Kaunaunahan, ay nagpapasalamat ako sa aking Dios sa pamamagitan ni Jesucristo tungkol sa inyong lahat, na ANG INYONG PANANAMPALATAYA AY BANTOG sa buong sanglibutan.

AYAN, SIKAT NA SIKAT DAW ANG MGA ROMAN CHRISTIANS ALL OVER THE WORLD. E SINO BA ANG PINAKA-SIKAT AT PINAKA BANTOG SA MGA RELIHIYON NGAYON SA BUONG MUNDO? DI BA ANG CHURCH OF ROME? MAHIGIT 30-40 MILLION TOURISTS ANG NAGPUPUNTA NG ROME TAON TAON PARA DUMALAW SA SANTO PAPA AT MAGDASAL SA HARAP NG LIBINGAN NI SAN PEDRO. KAPAG DUMARATING ANG SANTO PAPA TALBOG LAHAT DAHIL SA KANYANG IMPORTANSIYA BILANG MORAL AND SPIRITUAL LEADER OF CHRISTIANITY. KAPAG NAMATAY ANG PAPA O NAGRESIGN AT MAY ELECTION NG POPE BUONG MUNDO AY SUMUSUBAYBAY. PERO PAG NAMATAY ANG MGA MANALO AT KUNG SINO PA MANG LEADER E WALA LANG. BOKYA.

IMBES NA GALIT AY PAGMAMAHAL ANG ALAY NG DIOS SA CHURCH OF ROME. AT SI SAN PABLO NAMAN AY MADALAS NA PANALANGIN:

Rom 1:9 Sapagka’t ang Dios ang aking saksi, na siyang pinaglilingkuran ko sa aking espiritu sa evangelio ng kaniyang Anak, na WALANG PATID na aking kayong BINABANGGIT sa aking mga PANALANGIN…

AYAN, IMBES NA KAMUHIAN AY WALANG PATID NA PANALANGIN ANG INIAALAY SA CHURCH OF ROME. KAYA NAMAN ANG LAHAT NG CATOLICO PINAGDARASAL ANG POPE NA OBISPO NG ROMA AT ANG BUONG ROMAN CHURCH KADA MISA ARAW ARAW AT TUWING LINGGO. BINABANGGIT ANG LEADER OF THE CHURCH OF ROME NA WALANG IBA KUNDI ANG SANTO PAPA SA ROMA.

KAYA WAG MANINIWALA SA MGA NANINIRA SA ATIN. KAYA NGA AFTER NG GOSPELS AT NG ACTS OF THE APOSTLES ANG NO. 1 CHURCH SA LISTAHAN AY ANG CHURCH OF ROME. KAHIT NA MAS NAUNANG SINULATAN NI SAN PABLO ANG CHURCH OF THESSALONICA HINDI EPISTLE TO THE THESSALONIANS ANG INUNA SA BIBLIA KUNDI ANG EPISTLE TO THE ROMANS. HE HE HE… HINDI U.S.A., HINDI GERMANY, HINDI SWITZERLAND, HINDI DAVAO OF QUIBOLOY, HINDI PUNTA STA. ANA OR KA-DILIMAN QUEZON CITY NI MANALO AT HINDI APALIT PAMPANGAN NI MAMA ELI KUNDI CHURCH OF ROME. TALBOG SILA. HA HA HA…

 

SOURCE:http://www.splendorofthechurch.com.ph/2013/04/13/ang-iglesia-catolica-romana-ba-ang-tinutukoy-na-whore-of-babylon-sa-rev-18-by-fr-abe/

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s