Images, Veneration, Adoration By: Bro. Cielbert Dondoyano,CFD

Dalawang klase kasi ang mga Larawan ang binabang-git sa Bibliya mga kapatid.

Mayrong mga larawan na talagang ipinag babawal ng Dios. Like, baal, diana, astarot. Mga larawan na iniisip ng mga tao na dios nila. O mga bagay na ginagawa nilang dios. O sinasamba nila bilang dios. At sa aral ng Katoliko yan ay mali talaga. Sin of idolatry yan sa aral ng Katoliko. Mga bagay na hindi totoong dios, na inisip at sinasambang dios.

Pero, mayroon namang mga larawan na hindi ipinagbabawal ng Dios. Mga larawan na hindi iniisip at sinasambang mga dios ng mga tao. Like, mga larawan ng mga Cherubin (Exodo 25:18-22). Mga larawan ng tao na hindi iniisip at sanasambang mga dios (Ezekiel 41:17-20).

Walang aral ang Katoliko na, iisiping dios, gagawing dios o sasambahing dios ang mga larawan. So hindi talaga nagtuturo ang katoliko ng Idolatria.

Kung makikita natin na ang mga katoliko ay lumoluhod sa mga larawan ng mga santo, hindi yan ibig sabihin na ginawang dios o iniisip at sinasambang dios ang mga larawan nila. Mayroon kasing luhod na hindi idolatry. Yong luhod o samba na ang ibig sabihin ay respect o veneration (Acts 16:29-30) (Daniel 2:46-47) (Joshua 7:6 ; Exodo 25:17-22)

May superlative degrees kasi ang worship o samba sa aral ng Katoliko. Ang pinaka-mataas na samba ay para sa Dios lamang. Ang katawagan yan sa grego ay Latria. Ang SAMBA na yan na pinaka-mataas, kung ibibigay ng tao sa iba, halimbawa, sa mga rebolto o mga larawan, yan ay maling-mali talaga. Yon ang dahilan, na nagagalit ang Dios sa mga tao, na yang samba na yan, na para sa KANYA LAMANG ay ibinigay nila sa iba.

Diba sabi ni Kristo, na ang para sa Dios, ay sa Dios. Ang sa Emperador naman, ay sa emperador din.

So kung ganyan, ang sa tao, ay sa tao rin, diba?

May worship o samba, na para sa tao. Secondary lang ito, at HINDI SAMBA NA PINAKA MATAAS. Ang katawagan nito sa grego ay Dulia. Nahahati ito sa dalawa. Hyper-Dulia at Dulia. Sa english, yan ay Special-veneration at Veneration lang.

Ang Hyper-Dulia o Special-veneration, ay samba para kay Mother Mary. Special, dahil, Mother siya sa ating pananampalataya (Genesis 3:15 ; Luke 1:48). At tandaan natin, na hindi ito samba na pinaka-mataas. Ang pinaka-mataas ay nananatiling para sa Dios lamang.

Ang Dulia o Veneration ay hindi rin pinaka-mataas. Ang samba na ito ay para sa ibang mga santo, o sa mga tao, o sa mga bagay na dapat mag-bigay tayo ng respect. DAHIL MGA GAWA SILANG LAHAT NG DIOS (Acts 16:29-30) (Daniel 2:46-47) (Joshua 7:6 ; Exodo 25:17-22) (Genesis 27:29 ; I-Samuel 28:14) (II-Hari 2:15 ; I-Chronicas 29:20) (II-Samuel 1:2 ; II-Kings 1:13).

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s