Pag ‘like’ sa malisyosong komento sa FB hindi pasok sa online libel Ni Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) Updated October 05, 2012 12:00 AM

Pag ‘like’ sa malisyosong komento sa FB hindi pasok sa online libel
Ni Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) Updated October 05, 2012 12:00 AM Comments (3)

 

MANILA, Philippines – Hindi “libelous” ang pag “like” o pag-share sa mga mapanirang ko­mento sa mga social networking sites katulad ng sikat na Facebook.

Ayon kay Sen. Edgardo Angara, awtor ng kontrobersiyal na Cybercrime Prevention Act of 2012, mas­yadong ‘exaggerated’ ang sinasabi ng ilan na maging ang pag-like o pag-sangayon sa isang mapanirang post ay pasok sa online libel na may parusang 12 taong pagkabilanggo.

Ipinaliwanag nito na ang isang taong sumang-ayon sa isang statement sa mga social networking site ay hindi naman ang orihinal na nagsabi o awtor kaya hindi ito maa­aring kasuhan ng libel.

Maaari lamang kasuhan ng libel ang isang nag-like o nag-share kung mapapatunayan na mayroong sabwatan para ipakalat ang mapanirang post

Nilinaw din ni Angara na hindi naman ma­aring kasuhan kung nagpapahayag lamang ng kaniyang opinyon ang isang blogger ma­liban na lamang kung malisyoso ito at walang katotohanan.

Pabor si Angara na ibaba ang parusa sa online libel at ipantay na lamang ito sa libel sa print media o kaya ay tuluyang i-decriminalize ang libel.

 

ENCODE BY: NICHOLAI LUCENOS,CFD,PDR

POSTED : OCTOBER 18,2012

11:00AM

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s